Image by Susan Sewert from Pixabay
Agritech | Paano Umutang nang Responsable – JuanHand Loan App | Lumalaking alalahanin sa Pilipinas ang pinansyal na mapagkukunan, lalo na pagkatapos ng epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa. Kahit na hindi natin nais na magkaroon ng mga utang ay kung minsan, hindi ito maiiwasan. Salamat na lang na dumadami na ang mga opsyon na pagpipilian natin para sa pagpopondo at pag-utang sa pamamagitan ng online loan apps.
Pero napakahalaga rin na tandaan natin ang mga dapat alalahanin bilang isang responsableng manghihiram ng pondo. Narito ang ilang mga paalala:
- Intindihin ang iyong utang.
Ang unang hakbang sa pagiging responsableng borrower ay ang paggawa ng iyong pananaliksik. Pag-aralan ang lahat ng mga bagay tungkol sa pautang na iyong papasukin. Ito ay isang mahalagang desisyon sa pananalapi na makakaapekto sa iyo sa mga darating na taon, kaya puhunan ang oras na nararapat dito.
- Suriin ang Iyong Pananalapi
Siguraduhin na maaaring mabayaran mo ang balak mong utangin na pondo. Gumawa ng plano at ilista ang pasok at labas ng pera o cash flow. Sa pamamagitan ng pag-organisa ng pinansyal mo at ng pamilya mo, masusuri mo kung saan ka pa pwede mas makatipid o kung kailangan mo pa gumawa ng mga paraan upang makapaghanda sa pagbabayad ng mga pinansyal na obligasyon, kasama na ang iyong personal loan.
- Huwag humiram ng higit sa kailangan mo.
Karamihan sa atin ay nangangailangan ng pera sa lalong madaling panahon, ngunit huwag matuksong kumuha ng loan upang bumili lamang ng mga bagay na pwede naman makahintay.
Ang ilang mga dahilan na kakailanganin mo ng agarang pondo ay ang mga bayarin sa utilities (tulad ng tubig o kuryente), o kaya mga biglaang di-inaasahang ganap tulad ng sakit o sakuna. Ngunit kung maaari ka namang gumawa ng paraan tulad ng pagkuha ng part-time na trabaho o side line para makapag-ipon, mas mainam na maghanda na in advance dahil makakaiwas sa mas mataas na bayarin dulot ng interes sa pangungutang.
- Magbayad sa tamang oras.
Kapag nagsimula kang magbayad sa iyong mga pautang o loan, napakahalaga na gawin mo ito sa tamang oras o bago ang deadline ng loan payment. Ang mga late charge o multa ay hindi isang nakakatuwang paraan para gumastos ng pera at higit sa lahat, ang hindi magandang history ng pagbabayad ay maaaring makaapekto nang negatibo sa iyong credit.
Ayusin ang iyong mga pinansyal na personal sa buwanang pagbabayad ng mga bill, o mas mabuti pa, mag-set up ng mga awtomatikong pagbabayad. Sa ganitong paraan, maaari ka pang makatipid sa iyong rate ng interes. Madalas sa mga online loan apps, tumataas pa ang ang pwede mong i-loan kung maaga ka nagbabayad ng iyong unang hiniram.
- Kung may problema, kausapin ang iyong loan provider.
Kung mayroon kang problema, higit na mabuti kung kausapin mo ang iyong tagapagbigay ng pautang. Halimbawa, kung nakita mo nang hindi ka nakabayad at may mga penalty na, magtanong ka kung may maibibigay ba silang tulong tulad ng refinancing upang maalis ka sa utang.
Ang kaagad na pagkilos sa pagharap sa problema at pakikipag-usap ay maaaring magbibigay sa iyo ng liwanag upang makahanap ng mga paraang masolusyunan ang iyong mga alalahanin.
***
Dahil sa mga lumalalaking pangangailangan para sa mga opsyon ng mga personal loans o pagpopondo, dumadami ang mga online loan applications (OLA) na nagbigay ng kanilang mga serbisyo sa Pilipinas.
Isa sa napakahusay, mabilis, at mapagkakatiwalaan na na online loan app ang JuanHand. Kung nais malaman pa ang serbisyo ng JuanHand, alamin dito kung paano makahiram ng pondo sa pamamagitan lamang ng iyong smart phone.
Image by Susan Sewert from Pixabay
