Agritech PH | MocaMoca ng Copperstone Lending Inc. Nag-abot ng Tulong sa mga Biktima ng Lindol sa Cebu sa Pamamagitan ng “MocaMoca Cares: Tulong Para sa Cebu” Donation Drive
Bilang tugon sa pangangailangan ng mga apektado ng lindol sa Cebu, pinangunahan ng MocaMoca, isa sa opisyal na lending applications ng Copperstone Lending Inc., ang community donation drive na pinamagatang “Tulong Para sa Cebu” noong Oktubre 28–29, 2025. Bahagi ito ng patuloy na Corporate Social Responsibility (CSR) program ng Copperstone na layuning suportahan ang mga pamilyang Pilipino na apektado ng mga sakunang natural.
Sa pamamagitan ng “MocaMoca Cares: Tulong Para sa Cebu” drive, nagbigay ang MocaMoca at Copperstone Lending Inc. ng mga relief pack na naglalaman ng mga sako ng bigas at bottled water para sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang lindol sa Cebu. Simple ngunit makabuluhan ang layunin: maghatid ng konkretong tulong at taos-pusong malasakit sa mga muling bumabangon matapos ang trahedya.
Araw ng Pagmamalasakit at Pag-asa
Naisakatuparan ang outreach activity sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Cebu at ng mga kinatawan mula sa DSWD, na nagbigay-daan sa maayos na pamamahagi ng mga relief goods sa mga naapektuhang kabahayan. Aktibong nakibahagi ang mga volunteer at miyembro ng Copperstone team sa personal na pamimigay ng mga donasyon, upang masigurong maramdaman ng bawat pamilya ang suporta at pagpapahalaga sa kanila.
“MocaMoca and Copperstone Lending Inc. are committed to serving beyond financial assistance. Through initiatives like Tulong Para sa Cebu, we hope to bring comfort and hope to our fellow Filipinos during challenging times,” pahayag ni Ginoong David Balamon, kinatawan ng kumpanya.
Naging pagkakataon din ang naturang programa upang makipag-ugnayan sa komunidad: magbahagi ng mga ngiti, salita ng pag-asa, at pakikiisa, na nagpapatunay na sa likod ng bawat serbisyo ng Copperstone ay isang kumpanyang may pusong tunay na nagmamalasakit.
Tunay na Paninindigan sa Pagmamalasakit at Pananagutan
Bilang isang rehistrado at SEC-accredited na lending company, patuloy na isinusulong ng Copperstone Lending Inc. ang mga prinsipyo ng patas, malinaw, at may pusong serbisyo, hindi lamang sa larangan ng pagpapautang kundi pati sa pagtulong sa lipunan.
Ang kanilang MocaMoca app ay kumakatawan sa adbokasiyang magbigay ng madaling ma-access at etikal na tulong-pinansyal, na ngayo’y pinalalawak pa sa pamamagitan ng kanilang mga CSR program.
Sa pamamagitan ng mga proyektong tulad ng MocaMoca Cares, layunin ng Copperstone Lending Inc. na patatagin ang papel nito sa pagtulong bumuo ng mas mahabagin, matatag, at empowered na komunidad ng mga Pilipino.
Tungkol sa MocaMoca ng Copperstone Lending Inc.
Ang MocaMoca ay isang mapagkakatiwalaang digital lending app na binuo ng Copperstone Lending Inc., isang duly registered at lisensyadong lending company sa ilalim ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Nagbibigay ang MocaMoca ng mabilis, ligtas, at lehitimong tulong-pinansyal para sa mga Pilipino habang isinusulong ang responsableng pagpapautang at malasakit sa komunidad sa pamamagitan ng mga CSR initiatives nito.
