AgriTechPH.com | ni Jid Dacut, Correspondent | CWS Party List – Bumuhos ang Tulong at Ugnayan sa Zambales, Bulacan, Pampanga, at Batangas | Nitong mga nakaraang linggo, tumatak sa mga mamamayan ng Zambales, Bulacan at Batangas ang mga gawain ng Construction Workers Party List na nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng mga naturang lugar.
Nagpunta ang tropang CWS Party List kasama sina Councilor VM Rondon Mercado at kanyang mga kawani sa Barangay Sta. Catalina sa Minalen, Pampanga upang tumulong sa DOLE sa kanilang pagkakaloob ng pay-out para sa mga kababayang miyembro ng programang TUPAD. Layunin ng proyektong TUPAD ang magbigay ng pansamantalang trabaho para sa ating mga kababayang nahihirapang makahanap ng permanenteng trabaho sa kasalukuyang pandemya.

Nagtungo din ang party-list kasama sina Hon. Gov. Jun Ebdane at kanyang kawani sa Barangay Angeles San Antonio, Zambales upang dumalo sa naganap na blessing at inaugration ng multi-purpose building ng naturang lugar noong ika-17 ng Nobyembre.
Nagsagawa din ang ating party-list ng isang game contest upang magbigay aliw at tulong para sa ating mga kababayang taga-Zambales.

Nagtungo naman noong ika-20 ng Nobyembre ang CWS party-list at ang DOLE upang ipamahagi ang PAYOUT sa 81 na benepisyaryo ng proyektong TUPAD sa Mataas na Kahoy, Batangas.

Nahamagi din ang CWS ng humigit-kumulang 650 CWS face mask at pagkain para sa mga kababayang construction workers ng Sta. Clara International Corp. sa Bulacan noong ika-26 ng Nobyembre. Bahagi ito ng kanilang outreach sa sektor ng mga construction workers.

Mula noong naitayo ito mga 30 taon na ang nakakaraan, hanggang ngayon, kaagapay ng bawat mamamayang Pilipino ang sa buong Pilipinas ang Construction Workers party list.
